Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lespu nag-overtake, sumalpok sa pickup

Todas ang motorcycle rider na pulis matapos humampas sa kasalubong na pickup truck sa national highway ng Batay, Ilocos Sur kamakalawa.

Kinilala ng Bantay Police Station (BPS) ang suspek na si P/Staff Sgt. Romualdo Piamonte Jr, 46, nakadestino sa nasabing bayan.

Sa report ng BPS, ayon sa kuha ng CCTV sa kahabaan ng Barangay Pupus, nakita ang motorsiklo na minamaneho ni Piamonte Jr. na lumipat ng kabilang linya at sumalpok sa kasalubong ng pickup.

Pagkatapos bumangga, ang pickup ang muling bumangga sa paparating ng 10-wheeler trailer truck.

Sa lakas nang pagkakasalpok ng motorsiklo, agad na namatay si Piamonte habang sugatan ang driver ng pickup sa pagbangga nito sa trailer truck.

Samantala, wala pa umanong inilalabas na pahayag ang pamilya ng nasawing pulis. (Allan Bergonia)