Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ex-mayor binitag sa 2 murder

Inaresto ng mga otoridad ang dating mayora sa Dingras, Ilocos Norte matapos iturong utak sa pagpatay kay Ilocos Norte Electric Cooperative president Lorenzo Rey Ruiz at sa pananambang kina Dingras mayor-elect Jeffrey Saguid at Sangguniang Panlalawigan board member Robert Castro, nitong Sabado sa Laguna.

Sa bisa ng warrant of arrest, dinakip si ex-Mayor Marynette Gamboa, 55, ng pinagsanib na mga operatiba ng Regional Special Operations Group-Regional Intelligence Division (RSOG-RID) ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) nitong Sabado (September 30) sa Kai-Balinese Pool Resort, Indigo Bay Hot Spring Subdivision Sucol, Real, Calamba City, Laguna

Si Gamboa ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Felix G. Salvador ng RTC Branch 17, Batac City, Ilocos Norte, sa kasong murder. Walang inirekomenadang piyansa laban sa kanya.

Nabatid na si Gamboa, na naging alkade sa Dingras, Ilocos Norte noong 2007 hanggang 2011 ay itinuturong mastermind sa pananambang kina Castro at Saguid noong Disyembre 2008.

Siya rin ang sinasabing utak sa pagpatay kay Ruiz, na residente ng Brgy Madamba, Dingras, Ilocos Norte noong Disymbre 2009.

Napag-alamang natalo si Gamboa matapos na tumakbo bilang kinatawan sa kongreso ng 2nd District, Ilocos Norte noong Mayo 13, 2019 midterm elections. (Dolly Cabreza/Allan Bergonia)