Ilang oras na lang bago ganapin ang ABS-CBN Ball kagabi (September 30) ay hindi pa makapag-decide si Kim Chiu kung ano ang kanyang isusuot na gown.
Kaya naman mabilisan siyang nagsagawa ng online poll sa kanyang social media at humingi na ng tulong sa netizens.
“Still thinking… can you help me??? RoadToABSCBNBall2023,” tweet ni Kim.
Inilagay niya ang tatlong kulay na pwedeng iboto. Ang mga ito ay: 1. Red, 2. Blue, and 3. Silver/white.
Maraming bumoto at ang top answer ay silver/white.
May nagkomento naman na kahit daw anong kulay ang isuot ni Kim ay tiyak na babagay sa kanya.
Nakita naman ni Kim ang mga boto kaya later in the afternoon ay nag-tweet siya ng “Mukhang duon tayo sa silver/white??? Thank you madlang pipol! #roadtoabscbnball2023.” (Vinia Vivar)